Aktibong lumahok ang apat na kawani ng PMO Agusan sa 2025 Caraga Womenโ€™s Summit noong Marso 10, 2025, sa Balanghai Hotel and Convention Center, Butuan City. Ang summit, na pinangunahan ng Regional Gender and Development Committee (RGADC) Caraga, ay nagbigay-daan sa mas malalim na pagtalakay sa mga isyu at oportunidad para sa kababaihan sa rehiyon.

Samantala, ngayong araw, Marso 11, 2025, opisyal nang binuksan ng PMO GADFPS ang taunang Womenโ€™s Bazaar sa PMO Multipurpose Hall. Layunin ng bazaar na bigyang-pansin at suportahan ang mga negosyanteng kawani ng PPA. Kabilang sa mga benepisyaryo nito ang mga kawani ng PMO na may anak na may espesyal na pangangailangan. Ang bazaar ay nagsisilbing plataporma upang maipamalas ng mga kawani ang kanilang husay sa pagnenegosyo at mabigyan sila ng pagkakataong maipakilala at mapalawak ang kanilang mga produkto.

Kasabay nito, isinagawa rin ngayong araw ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng PANTALAN PMO Agusan Chapter para sa CY 2025-2027. Kabilang sa bagong hanay ng pamunuan ang mas maraming kababaihan mula sa ibaโ€™t ibang kategorya ng posisyon at dibisyon ng PMO. Pinangunahan ni Port Manager Mildred J. Padilla ang panunumpa ng mga opisyal sa harap ng kanilang mga kasamahan sa organisasyon. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PM Padilla ang diwa ng paglilingkod, sama-samang responsibilidad, at ang mahalagang papel ng unyon sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawa.

Ang sunod-sunod na makabuluhang aktibidad na ito ay patunay ng dedikasyon ng PMO Agusan sa pagsusulong ng isang mas inklusibo at pantay na komunidad, kung saan kinikilala at pinalalakas ang papel ng kababaihan sa ibaโ€™t ibang larangan ng ekonomiya, serbisyo publiko, at pamumuno.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#WEcanbeEquALL

#WomenMakeChange

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports