Nakipagtulungan ang mga kawani ng PMO Agusan sa Upland Tree Planting Activity ng Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI) kasama ng CENRO Nasipit ngayong araw, Abril 24, 2024, sa Mt. Kasunugan, Brgy. Amontay, Nasipit, Agusan del Norte. Nasa walong daang (800) Mangium ang naipunla sa nasabing aktibidad.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagdiriwang ng World Earth Day 2024 at layuning magtanim ng mga puno upang hikayatin ang port community na magkaroon ng malasakit sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng mga indibidwal sa mga proyektong pangkalikasan. Ipinapakita rin nito ang pakikiisa ng maritime sector sa pangangalaga ng kapaligiran lalong lalo na ngayong nararanasang El Niño sanhi ng climate change.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#EarthDay

“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube: @ph_ports

Instagram: @ph_ports

TikTok: @ph_ports