Nagsagawa ang PMO Agusan ng Delivery of Suspicious Parcel Drill sa Integrated Port Access and Control Center (IPACC) Area at Port Operations Building (POB) ng Nasipit Port ngayong araw, Disyembre 17, 2024. Pinangunahan ito ng Port Police Division (PPD), katuwang ang mga Security Guards at Baggage Security Screening Machine Operators.
Layunin ng drill na palakasin ang kakayahan sa pagsuri at pagtugon sa mga kahina-hinalang parcel. Sa unang bahagi ng pagsasanay, matagumpay na natukoy ng mga security personnel ang isang baril at isinagawa ang tamang pagtugon alinsunod sa mga itinakdang pamantayan.
Bagamaโt naging maayos ang pagsasanay, nananatiling mahalaga ang patuloy na pagpapalakas ng seguridad upang matiyak ang mabilis at epektibong pagtugon sa mga emerhensiya.
Ang isinagawang drill ay alinsunod sa mga itinakdang protokol ng PPA Memorandum Circular No. 05-2021 – Revised Guidelines in the Implementation of the Port Users Security Screening System at mga pamamaraan na naaayon sa International Ship and Port Facility Security (ISPS) Code. Tinitiyak ng PPA ang kahandaan ng lahat ng Port Police Officers at security personnel sa pagpapalakas ng seguridad, lalo na sa papalapit na Kapaskuhan kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero at kargamento sa pantalan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports












