Nakibahagi ang mga kawani ng PMO Agusan sa Upland Tree Planting Activity ng Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI), katuwang ang DENR-CENRO Nasipit at Balangay Sentinels Football Club, ngayong araw, Abril 25, 2025, sa Mt. Kasunugan, Brgy. Amontay, Nasipit, Agusan del Norte. Umabot sa isang libong (1,000) punla ng Narra at limandaang (500) Mangium ang naitanim sa naturang aktibidad.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng World Earth Day 2025 at naglalayong hikayatin ang port community na paigtingin ang malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.

Layunin din ng aktibidad na hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng bawat isa sa mga programang nagtataguyod ng kalikasan. Isa itong paalala na ang responsibilidad sa pangangalaga ng kapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng iilan kundi ng buong komunidad.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports