Aktibong nakiisa ang PPA PMO Agusan sa kick-off program ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na isinagawa ngayong araw, Nobyembre 29, 2024. Pinangunahan ito ng Provincial Government of Agusan del Norte, DILG-Agusan del Norte, at Nasipit Municipal Social Welfare and Development Office.

Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan mula sa PMO Agusan, opisyal ng LGU Nasipit, PNP Nasipit, mga lider ng barangay, womenโ€™s association, at iba pang stakeholders. Ang kanilang presensya ay simbolo ng pagkakaisa sa pagsusulong ng karapatan, kaligtasan, at dignidad ng kababaihan sa komunidad.

Tampok sa programa ang makasaysayang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng โ€œBahay ni Neneng,โ€ isang pasilidad na magsisilbing ligtas na kanlungan para sa mga kababaihang biktima ng karahasan. Ang pasilidad ay itatayo sa Barangay Kinabjangan, Nasipit, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa proteksyon at suporta sa mga nangangailangan.

Inihayag ni Port Manager Mildred J. Padilla na kaisa ang puwersa ng PMO Agusan sa layuning wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at pigilan ang human trafficking, lalo na sa mga pantalan. Aniya, patuloy na isusulong ng PMO ang mga inisyatibang naglalayong gawing ligtas at protektado ang bawat pasahero at manggagawa sa pantalan laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports