Nakibahagi ngayong araw, Abril 9, 2025, ang mga kawani ng PPA PMO Agusan sa isinagawang flag raising ceremony bilang bahagi ng paggunita sa Araw ng Kagitingan na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Butuan.
Ginanap ang aktibidad sa harap ng Butuan City Library, kung saan sama-samang nagbigay-pugay ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, at mga miyembro ng komunidad sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.
Ang nasabing seremonya ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Araw ng Kagitingan na may layuning paalalahanan ang publiko sa kahalagahan ng kabayanihan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports