Nakiisa ang PPA PMO Agusan sa pagdiriwang ng 2025 National Maritime Week (NMW) sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhan at inklusibong aktibidad mula Setyembre 20 hanggang 29, 2025. Bahagi ito ng pambansang selebrasyon na pinangungunahan ng Philippine Ports Authority na may temang “Our Ocean, Our Obligation, Our Opportunity.”

Kabilang dito ang paglalagay ng NMW tarpaulin sa Baseport Nasipit at sa mga Terminal Management Office (TMO) ng Butuan at Masao. Pinailawan din ng asul ang Port Operations Building sa Baseport Nasipit bilang simbolo ng pagkilala sa mahalagang papel ng sektor maritime sa kaunlaran ng bansa.

Tampok sa mga aktibidad ang Mangrove planting noong Setyembre 26 sa San Roque Beach, Brgy. Punta, Nasipit, katuwang ang Globalport Agusan Terminal, Inc. (GATI) at sa koordinasyon ng DENR-CENRO Nasipit. Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, port users, at stakeholders kung saan tinatayang 1,000 Asiatic mangrove propagules ang naitanim. Layunin nitong mapalakas ang ekosistemang dagat, maprotektahan ang baybayin, at makatulong sa laban kontra climate change habang pinapangalagaan ang biodiversity.

Bilang tugon sa pagpapahalaga sa kalusugan at samahan, inilunsad din ng PMO-Agusan ang kauna-unahang virtual fun run mula Setyembre 16 hanggang 29. Nilahukan ito ng 31 katao mula sa PMO at GATI, gamit ang isang fitness app upang idokumento ang kanilang araw-araw na pagtakbo. Ang mga nakatapos ng 20k, 40k, 60k, 80k, at 100k na distansya ay ginawaran ng certificate bilang pagkilala sa kanilang sipag at dedikasyon.

Samantala, isinagawa naman noong Setyembre 29 ang isang bloodletting activity sa Multi-Purpose Hall ng Port Operations Building, Port of Nasipit, katuwang ang Philippine National Red Cross – Butuan City Chapter. Labing-apat na blood donors, kabilang ang mga empleyado ng PMO Agusan, ang boluntaryong nakibahagi.

Ang masiglang partisipasyon ng PMO Agusan sa 2025 National Maritime Week ay patunay ng patuloy na dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan, pagbibigay-serbisyo sa komunidad, at pagpapalakas ng ugnayan sa mga stakeholder ng sektor maritime. Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, higit na naipapakita ang sama-samang pagkilos para sa isang matatag at responsableng maritime industry.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports