Nakibahagi ang PMO Agusan sa City Anti-Drug Abuse Program na isinagawa ng Butuan City Health Department at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Idinaos ang โOrientation on Drug-Free Workplace and Anti-Smoking Advocacy,โ na nakabatay sa Republic Act No. 9165 o ang โComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,โ sa TMO Butuan Activity Center noong Disyembre 17, 2024. Dumalo rito ang mga kawani mula sa TMO Masao, TMO Butuan, at Concord Arrastre and Stevedoring Corporation (CASCOR).
Pinangunahan ang talakayan nina Ms. Rowena V. Cueto, Anti-Smoking Coordinator ng CHD; Jose Ramon Miguel Zaraspe IV, Assistant Provincial Chief ng PDEA Agusan del Norte; at Dindo D. Abellanosa, Public Information Officer ng PDEA Region XIII.
Tinalakay sa programa ang mga masamang epekto ng paggamit ng droga, sobrang pag-inom ng alak, labis na paggamit ng mobile phone, at pagkakaroon ng adiksyon sa nicotine. Binigyang-diin din ang mga programa at adbokasiya ng kani-kanilang ahensya upang mahikayat ang mga kawani na aktibong makiisa sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.
Layunin ng programa na magbigay ng sapat na kaalaman at gabay sa pagpapanatili ng isang ligtas, malusog, at produktibong lugar ng trabaho na malaya sa anumang bisyo o ipinagbabawal na droga.
Ang pakikiisa ng PMO Agusan ay patunay ng mahalagang papel ng bawat ahensya sa pagsusulong ng isang Drug-Free Workplace, hindi lamang sa Butuan City kundi sa buong bansa.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports












