Matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang Hybrid Seminar on Mental Health Awareness noong Mayo 9, 2025, sa PMO Multipurpose Hall. Dinaluhan ito ng 41 empleyado mula sa iba’t ibang dibisyon bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng PMO CARES (Positive Mindset and Outlook: Cultivating Awareness, Resilience, and Emotional Support) na isulong ang mental wellness at palawakin ang kaalaman ukol sa kalusugang pangkaisipan sa loob ng ahensya.

Bilang pangunahing tagapagsalita, ibinahagi ni Ms. Maristela C. Gales, isang rehistradong Guidance Counselor mula sa Father Saturnino Urios University, ang mahahalagang kaalaman tungkol sa mga senyales ng stress, anxiety, at depression. Tinalakay rin niya ang mga praktikal na hakbang upang mapanatiling malusog ang isipan sa kabila ng mga hamon sa trabaho at personal na buhay.

Isa sa mga tampok na bahagi ng seminar ay ang aktwal na pagsasagawa ng Beck’s Depression Inventory at Beck’s Anxiety Inventory, na tumulong sa mga kalahok na masukat at maunawaan ang kanilang emosyonal na kalagayan.

Isinagawa ang seminar sa hybrid format upang mapalawak ang partisipasyon ng mga empleyado, kung saan may mga dumalo nang personal sa venue habang ang iba ay nakiisa sa pamamagitan ng online platform, lalo na ang mga naka-duty at nasa kani-kanilang work station.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy na isinusulong ng PMO CARES ang mga programa para sa pangangalaga ng mental health at kabuuang wellness, tungo sa pagkakaroon ng mas masigla, matatag, at epektibong serbisyo mula sa mga empleyado ng PMO Agusan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports