Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran at upang hikayatin ang mga empleyado na maging bahagi ng solusyon sa suliranin ng basura, matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang workshop na may temang โ€œWaste Recycling (Plastic and Paper) through Arts and Craftsโ€ ngayong araw, Mayo 6, 2025, sa PMO Multipurpose Hall. Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa PMO Agusan at Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI).

Pinangunahan ang aktibidad ni Gaye Lauress C. Jamero, Acting Environmental Specialist ng Port Services Division, na nagturo sa mga kalahok ng malikhaing paraan ng pagrerecycle ng papel at plastik upang makalikha ng mga kapaki-pakinabang na produkto, gaya ng mga palamuti, lalagyan, at iba pang likhang-sining na maaaring gamitin sa tahanan o opisina.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang malikhaing paggamit ng mga recyclable na basura, itaas ang kamalayan sa masamang epekto ng hindi tamang pamamahala ng basura sa kapaligiran, at bigyang-kasanayan ang mga kalahok sa aktwal na paggawa ng mga gamit na maaari pang mapakinabangan, tulad ng mga dekorasyon, lalagyan, at iba pang praktikal na produkto.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports