Matagumpay na isinagawa ng PPA PMO Agusan, sa pangunguna ng Port Services Division (PSD), ang isang seminar hinggil sa Solid at Hazardous Waste Management ngayong araw, Mayo 2, 2025, sa PMO Multi-Purpose Hall ng Pantalan ng Nasipit.
Ang mga naging panauhing tagapagsalita mula sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 13 ay sina Jessa Lou D. Ampitan, OIC-Chief ng Ecological Solid Waste Management Section, na tinalakay ang mga prinsipyo at proseso ng solid waste management at composting; at si Honey G. Deligero, OIC-Chief ng Chemicals and Hazardous Waste Monitoring Section, na nagbahagi naman ng kaalaman ukol sa hazardous waste management at sa pangangasiwa ng mga kaugnay na pasilidad.
Dinaluhan ang seminar ng 21 kawani mula sa PMO Agusan at 10 kawani mula sa Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), na aktibong lumahok sa mga talakayan at workshop.
Layon ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga empleyado sa responsableng pamamahala ng basura at sa pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran sa mga pantalan.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports