Matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang unang pagpupulong ng Port Management Advisory Council (PMAC) at Port Facility Security Advisory Committee (PFSAC) para sa 2025 noong Marso 14 sa PMO Multipurpose Hall at via MS Teams. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa shipping lines, partner government agencies, maritime at law enforcement agencies, Butuan City Chamber of Commerce, at mga operator ng terminal na Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI) at Concord Arrastre & Stevedoring Corp. (CASCOR), pati na rin ang mga opisyal ng PMO. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Barangay Talisay, LGU-Nasipit, at City Government of Butuan, kasama ang iba pang mahahalagang stakeholder ng pantalan.

Tinalakay ng PMO ang update sa Masao Port Expansion and Rehabilitation Project, ang operational performance ng PMO Agusan para sa 2024, at ang pagpapatupad ng LGU-Nasipit Municipal Ordinance No. 014-2024 o Anti-Ticket Scalping Ordinance, na inendorso ng Sangguniang Panlalawigan ng Agusan del Norte noong Enero 28, 2025. Kasama rin sa mga pangunahing usapin ang pagpapatupad ng gun ban alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11076 at ang pag-install ng BeyondSight CCTV systems sa Masao Port.

Nagbigay ng ulat ang GATI at CASCOR tungkol sa kanilang mga tagumpay noong 2024, kabilang ang pagkamit ng 1 Million Safe Manhours at IMS Certification ng GATI, pati na rin ang mga plano ng CASCOR para sa 2025 upang higit pang mapabuti ang operasyon ng pantalan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month, inanyayahan ang mga dumalo na bumisita sa Bazaar for a Cause sa PMO Multipurpose Hall upang suportahan ang mga babaeng entrepreneur ng PMO.

Sa kanyang pangwakas na mensahe, pinasalamatan ni Port Manager Mildred J. Padilla ang lahat ng lumahok sa pagpupulong para sa kanilang patuloy na suporta at aktibong pakikibahagi. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang mapalakas ang operasyon at seguridad ng pantalan tungo sa mas produktibong 2025.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#WomenMakeChange

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports