Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap sa pagpapahusay ng kakayahan ng lahat ng Contract of Service (COS) personnel, matagumpay na naisagawa ng PMO Agusan ang Housekeeping Training noong Nobyembre 26 hanggang Nobyembre 27, 2024, sa Port Operations Building (POB) ng Nasipit Port.

Ang pagsasanay ay isinagawa ni Ms. Diary T. Carulasan, isang trainer mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Caraga, na nagbigay-diin sa mga mahahalagang aspeto ng housekeeping, kabilang ang wastong pamamaraan ng paglilinis, maayos na pagsasaayos ng mga kagamitan, at pagpapahalaga sa kaligtasan sa lugar ng trabaho.

Aktibong lumahok sa pagsasanay ang 23 COS personnel ng PMO, kung saan ang karamihan ay mga utility worker. Bukod sa mga teoryang itinuro, nagkaroon din ng mga group activity at hands-on demonstration na nakatulong upang mahasa ang kanilang mga kasanayan. Sa pagtatapos ng programa, iginawad sa mga kalahok ang kanilang sertipiko bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon at dedikasyon.

Matatandaan na noong Oktubre 15 hanggang 21, 2024, ang PMO Agusan ay nagsagawa rin ng Defensive Driving Training bilang bahagi ng layuning mapalago ang kakayahan ng mga empleyado sa ibaโ€™t ibang larangan.

Ang ganitong mga pagsasanay ay patunay ng patuloy na hangarin ng PMO Agusan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa lugar ng trabaho, gayundin ang pagpapalago ng kakayahan ng kanilang mga kawani.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports