Matagumpay na isinagawa ng PMO Agusan ang Defensive Driving Training na ginanap sa Nasipit Port mula Oktubre 15 hanggang 21, 2024, na naglalayong mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga empleyado upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa pagmamaneho.
Sa pangunguna ng Administrative Division at sa pakikipag-ugnayan sa Northern Mindanao School of Fisheries (NMSF) na akreditado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang limang araw na pagsasanay ay pinangunahan ni Mr. Jerryben M. Mongado. 20 empleyado ng PMO, na kinabibilangan ng 9 na regular na empleyado at 11 na COS personnel, ang matagumpay na nagtapos at nakatanggap ng kanilang mga sertipiko.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon at patuloy na pagbibigay halaga ng PPA sa pag-upskill ng kanilang mga empleyado, upang matiyak na sila ay may sapat na kaalaman para sa kanilang propesyonal at personal na pag-unlad.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
YouTube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
TikTok: @ph_ports












