Masayang namahagi ng pamasko ang mga kawani ng PMO Agusan sa Indigenous People (IP) Community ng Barangay Jaguimitan, Nasipit, Agusan del Norte ngayong araw, Disyembre 13, 2024.

Pinangunahan ni Port Manager Mildred J. Padilla ang makabuluhang aktibidad na nagbigay ng grocery packages, damit, laruan, at mga libro sa 30 pamilyang kabilang sa naturang barangay. Bukod sa ambag at suporta ng mga kawani ng PMO Agusan, katuwang din ang Carlos Gothong Lines Inc., na nagbigay ng bigas, damit, at mga over-the-counter medicines para sa mga benepisyaryo.

Ayon kay PM Padilla, ang programang ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng Philippine Ports Authority (PPA). โ€œAng temang โ€˜Ginintuang Puso sa Ginintuang Taonโ€™ ay simbolo ng aming pasasalamat at pagmamalasakit sa komunidad.โ€ Bukod sa pamamahagi ng mga donasyon, pinagsaluhan ng lahat ang simpleng meryenda na inihanda ng PMO at mga benepisyaryo, habang naghandog naman ng sayaw ang mga miyembro ng IP community bilang pasasalamat.

Mainit namang tinanggap ng pamunuan ng Barangay Jaguimitan ang grupo ng PMO, sa pangunguna ni Barangay Kagawad Marites Felias kasama ang iba pang opisyal. Nagbigay rin ng mensahe si Mr. John Lery Anastacio, DSWD Coordinator, na tumulong sa pagtukoy ng mga benepisyaryo. Samantala, pinaalala ni Ms. Janice Moรฑeza, DSWD Provincial Cluster Representative, ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga natatanggap na biyaya, maliit man o malaki, lalo na sa panahon ng Pasko.

Isa sa mga benepisyaryo, si Emma Gomez, ay nagbahagi ng kanyang damdamin: โ€œMula sa lahat ng benepisyaryo, maraming, maraming salamat, PPA. Malaking tulong po ito sa amin.โ€

Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng PMO Agusan sa Corporate Social Responsibility, lalo na ngayong makasaysayang ginintuang taon ng PPA.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#CorporateSocialResponsibility

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€