Bilang bahagi ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Valentineโs Month, matagumpay na naisagawa ng PMO Agusan ang isang Blood Donation Drive ngayong araw, Pebrero 27, 2025, sa PMO Multipurpose Hall.
Sa pangunguna ni PM Mildred J. Padilla at ng Administrative Division, katuwang ang Rural Health Unit (RHU) ng Nasipit, Provincial Health Office-Agusan del Norte, at Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City Chapter, matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad. Umabot sa 29 na indibidwal, na binubuo ng mga kawani ng PMO at ng Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), ang nakapasa sa screening, kung saan 27 sa kanila ang aktwal na nakapag-donate ng dugo. Nagbigay rin ang Red Cross ng mahahalagang impormasyon sa mga donor tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng dugo, pati na rin ang mga dapat at hindi dapat gawin pagkatapos ng donasyon.
Alinsunod sa mga layunin ng programang Positive Mindset and Outlook: Cultivating Awareness, Resilience, and Emotional Support (PMO CARES) na itaguyod ang mental health at wellness, patuloy na nagsasagawa ang PMO ng mga makabuluhang aktibidad na naglalayong palakasin ang diwa ng bayanihan, social responsibility, at pagpapalakas ng interpersonal support systems. Bukod dito, nakatuon din ang mga programang ito sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng mga empleyado, gayundin sa pagpapanatili ng sigla at pagpapalakas ng produktibidad sa trabaho.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports

















