Nakilahok ang mga kawani ng PMO Agusan sa Culmination Activity ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na ginanap ngayong araw, Disyembre 12, 2024, sa SM City Butuan.

Bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng PMO sa layuning wakasan ang karahasan laban sa kababaihan, pinarangalan ito ng Plaque of Appreciation mula sa Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children (RIACAT-VAWC) – Caraga.

Ilan sa mga hakbang na isinagawa ng PMO ay ang pagsagawa ng mga seminar upang palakasin ang kaalaman at pagsunod sa mga batas tulad ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262) at Safe Spaces Act (RA 11313). Bahagi rin ng kampanya ang pagsusulong ng Gender Fair Language (GFL) at ang pagpapalabas ng mga informational materials mula sa RIACAT sa mga telebisyon sa loob ng pantalan.

Bagamat natapos na ang 18-Day Campaign to End VAW, patuloy na isusulong ng PMO Agusan ang adbokasiya para sa isang ligtas at pantay na komunidad para sa lahat.

P-agbangon

P-ag-unlad

A-bot tanaw

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports