Matagumpay na nakumpleto ng dalawang Port Police Officers mula sa Port Management Office (PMO) Agusan ang limang araw na High Angle Rescue Training (HART) sa Nasipit Evacuation Center sa Nasipit, Agusan del Norte, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month nitong Hulyo 2025.
Layunin ng pagsasanay na ito na mapalawak ang kasanayan ng mga kalahok sa pagsasagawa ng mga operasyon sa pagsagip sa matataas o mapanganib na lugar na may diin sa kaligtasan, mahusay na koordinasyon, at pagiging episyente sa operasyon.
Pinangunahan ang specialized training ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Nasipit, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) Nasipit at Agusan del Norte Special Rescue Force.
Nagtapos ang pagsasanay sa isang rappelling exercise na ginanap sa Nasipit Port, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang natutunang kasanayan sa rope management, controlled descent, at advanced high-angle rescue techniques
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports