Matagumpay na naisagawa ng PPA PMO Agusan – Port Police Division ang Maritime Security Awareness Training (MSAT) ngayong araw, Pebrero 25, 2025, sa Pantalan ng Nasipit. Aktibong dinaluhan ito ng PMO at GATI Security Guards, Baggage Security Scanning Machine Operators, GATI personnel, at PMO Port Police Officers. Bahagi ng seminar ang Counter Anti-Terrorism Awareness (CATA) Bomb Threat Awareness (BTA) na isinagawa sa pakikipagtulungan ng PNP Explosive Ordnance Disposal and Canine Group (PNP-EOD/K9) Regional EOD/K9 Unit 13 sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Carlo G. Santos.

Tinalakay sa seminar ang pagtukoy sa Improvised Explosive Devices (IEDs), bomb threat management, at blast effects, pati na rin ang mahalagang papel ng Police Service Dogs sa pagsuri ng mga banta. Isinagawa rin ang Security Breach Test Drill upang suriin ang bisa ng screening procedures at ang Bomb Threat Response Drill upang palakasin ang kakayahan ng mga tauhan sa pagresponde sa mga banta ng pambobomba.

Patuloy na pinaiigting ng PPA, kasama ang PMO Agusan Port Police Division, ang mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at port users. Kasabay nito, patuloy ding pinalalakas ang kahandaan ng mga tauhan upang mas epektibong matukoy, maiwasan, at matugunan ang mga banta sa seguridad ng pantalan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports