Pinarangalan ng Development Academy of the Philippines (DAP) ang Philippine Ports Authority โ Port Management Office (PPA PMO) Agusan sa programang โPowering Productivity: Unlocking Ideas, Enabling Innovationโ na ginanap noong Nobyembre 11, 2025 sa Luxent Hotel, Diliman, Quezon City.
Tinanggap ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo ang Special Citation na iginawad ng DAP bilang pagkilala sa inobatibong kontribusyon ng tanggapan sa pagsusulong ng mga makakalikasang solusyon at episyenteng pamamahala sa serbisyo publiko.
Bilang tugon sa panawagan ng DAP para sa Paperless Productivity, isinumite ng PMO Agusan, sa pangunguna ng Port Services Division, ang entry na pinamagatang โPaper-Free Coffee.โ Ang pamagat ay hango sa mga pag-aaral na nagsasabing ang kape ay nakapagpapataas ng alertness at konsentrasyon, dahilan upang mas mabilis na maisagawa ang mga gawain ng mga mahilig sa kape. Sa isa pang pag-aaral, binigyang-diin na ang paper-free workplace ay hindi lamang nakatutulong sa kapaligiran at ekonomiya, kundi nakababawas din sa abala at panganib sa lugar ng trabaho.
Sa pamamagitan ng Paper-Free Coffee, nakapagtala ang PMO Agusan ng mahigit 233,000 sheets of paper saved kada taon, bunga ng paggamit ng mga digital platforms gaya ng Microsoft Office 365, Viber, Messenger, at iba pa. Ang inisyatibang ito ay nagdulot ng malaking pagtitipid sa operasyon, mas maayos na daloy ng komunikasyon, at mas produktibong kapaligiran sa trabahoโpatunay ng patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan sa pagpapatupad ng mga makabagong solusyon at makakalikasang programa na sumusuporta sa adhikain ng PPA at DAP tungo sa isang mas moderno, episyente, at responsableng pamahalaan.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports














