Bilang bahagi ng pagpapatibay ng seguridad sa pantalan, nagsagawa ang PPA PMO Agusan sa pangunguna ng Port Police Division ng Refresher Course on Baggage Security Screening Machine Operations para sa mga personnel ng Commander Security Services, Inc. noong Oktubre 15, 2025, sa Conference Room, Port Operations Building, Baseport Nasipit.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Acting Port Manager Atty. Kahlil L. Lamigo ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasanay at mahigpit na pagsunod sa International Ship and Port Facility Security (ISPS) Code upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng pantalan.

Pinangunahan nina Mr. John Vincent D. Letana at Mr. Enrico S. Soberano, Jr., mga Service Engineer mula sa Defense and Security Systems Phils., Inc. (DSSPI), ang mga talakayang nakatuon sa tamang operasyon at preventive maintenance ng X-ray baggage screening machines, wastong interpretasyon ng mga X-ray images, pagtukoy ng mga ipinagbabawal na bagay, at pagpapatupad ng mga standard screening procedures.

Isinagawa rin ang hands-on demonstration at radiation safety check gamit ang Dosemeter upang matiyak ang ligtas at maayos na paggamit ng Smiths Heiman X-ray Machine at CEIA Walk-Through Metal Detector. Kabilang sa mga kalahok ang mga Port Police Officers on duty, piling security guards mula sa AFSISI, at mga BSSMO personnel ng Commander Security Services, Inc. – patunay ng patuloy na pagsisikap ng PMO Agusan na mapanatili ang mataas na antas ng seguridad at kahandaan sa pantalan.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

#KomyuterMuna

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports