Nagpaabot ng tulong ngayong araw, Abril 16, ang PMO Agusan sa pamilya ni Felizardo C. Rendon Jr., isang helper mechanic ng Richland United Solutions, Inc., manpower agency ng Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), matapos masunog ang kanilang tahanan noong Abril 10, 2025 sa Barangay Talisay, Nasipit, Agusan del Norte.
Nagpaabot ang PMO, sa pangunguna ng Port Services Division, ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, at kaunting tulong pinansyal sa mag-asawang Felizardo at Rebecca Rendon, na may apat na anak. Layon ng inisyatibong ito na maibsan kahit kaunti ang hirap na dinaranas ng pamilya matapos ang insidente.
Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa tulong na ipinagkaloob ng PMO sa gitna ng matinding pagsubok na kanilang kinakaharap. Ayon sa kanila, malaking ginhawa ang dulot ng nasabing ayuda habang unti-unti silang bumabangon mula sa trahedya. Umaasa rin sila na may iba pang mabubuting loob na handang tumulong sa kanilang muling pagbangon.
“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports