Matagumpay na pinangasiwaan ng piling mga kawani mula sa PMO Agusan Port Services at Port Police Division, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Highway Patrol Group (HPG), ang pagdating ng imahen ng Our Lady of the Holy Rosary and Evangelization, mas kilala bilang โBirhen sa Simala,โ ngayong umaga, Mayo 20, 2025, sa Nasipit Port.
Dumating ang imahen sakay ng Cokaliong vessel MV Filipinas Jagna, voyage no. NAS 277, mula sa Lindogon, Sibonga, Cebu, kasama ang humigit-kumulang 120 miyembro ng Simala Pilgrimage Team.
Mainit itong sinalubong ng mga pari at mananampalataya mula sa St. Michael the Archangel Cathedral Parish sa Prosperidad, Agusan del Sur. Kasama rin sa pagtanggap ang delegasyon mula sa Holy Redeemer Parish ng Butuan City, na nag-alay ng isang sayaw bilang pagpupugay sa Mahal na Birhen ng Simala.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports