Isang 14-anyos na lalaki, na itinago sa alyas na โ€œDansoy,โ€ ang naharang sa Integrated Port Access Control Center (IPACC) ng Baseport Nasipit, Agusan del Norte, noong Enero 22, 2025, matapos makita ang isang kahina-hinalang tubo sa kanyang berdeng pitaka sa ilalim ng routine X-ray screening. Ang nasabing tubo, na may dilaw na mantsa at residue, ay pinaghihinalaang ginagamit sa paninigarilyo ng ipinagbabawal na droga.

Kasama ang kanyang tiyuhin, agad na dinala si โ€œDansoyโ€ sa Port Police Office. Sa tulong ng narcotic dog mula sa PDEA at PCG, nakumpirma ang presensya ng drug residue sa nasabing item. Bagamat walang natagpuang ilegal na substansya, kinumpiska ang paraphernalia at ipinadala ito sa PDEA Laboratory para sa masusing pagsusuri.

Dahil menor de edad si โ€œDansoy,โ€ ibinigay ang kanyang kustodiya sa kanyang guardian matapos makipag-ugnayan ang PMO Agusan Port Police Division (PPD) sa Nasipit Municipal Social Welfare and Development (MSWD). Pinayuhan din silang magtungo sa City Social Welfare and Development (CSWD) sa Tondo para sa nararapat na interbensyon.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa insidente.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

โ€œ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’†๐’”๐’Š๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’, ๐’‚๐’‚๐’”๐’†๐’๐’”๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.โ€

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports