Matagumpay na inilunsad ng PMO Agusan sa pangunguna ng Port Services Division GPAS Environmental Committee ang isang kumpetisyon sa paggawa, pag-aalaga, at pagpapanatili ng hardin sa loob ng pantalan na pinamagatang “Garden of Innovation: The Smart Workplace Garden Competition” kahapon, ika-18 ng Hunyo 2024 sa PMO Multipurpose Hall. Dinaluhan ito ng lahat ng empleyado ng PMO Agusan.
Layunin ng kumpetisyon ang patuloy na pagsasakatuparan ng programa ng PPA na mapanatili ang green practices sa loob ng pantalan kabilang na ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng kamalayan sa kapaligiran sa mga manggagawa at komunidad. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga nakatakdang lugar sa lahat ng Divisions/Unit ng PMO na maging kaaya-aya at mapapanatiling luntian na makakatulong upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng ekosistema sa pantalan.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
โSa progresibong Pantalan, aasenso ang bayanโ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports