Matagumpay na naisagawa ngayong araw, Hunyo 2, 2025, ang Joint CY2025 1st Semestral Fire Safety Seminar and Drill na pinangunahan ng Philippine Ports Authority (PPA) โ PMO Agusan at Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI), na ginanap sa PMO Multipurpose Hall sa Nasipit Port.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani mula sa PPA PMO Agusan, GATI, at Advance Security Agency, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) โ Nasipit Fire Station. Layunin ng seminar na palalimin ang kaalaman at palakasin ang kahandaan ng bawat isa sa wastong pagtugon sa mga insidente ng sunog.
Tinalakay ng BFP ang mahahalagang paksa gaya ng mga prinsipyo ng sunog, batayang kaalaman sa firefighting, at mga tip sa pag-iwas sa sunog. Tampok din sa aktibidad ang aktwal na fire drill, kung saan ipinakita ang tamang paraan ng evacuation, paggamit ng fire extinguisher, at iba pang hakbang sa emergency response.
Bilang pagkilala sa maayos na koordinasyon at aktibong partisipasyon ng lahat ng kalahok, binigyan ng BFP ang nasabing aktibidad ng โVery Satisfactoryโ (VS) rating.
Ang ganitong mga pagsasanay ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng PPA PMO Agusan at GATI na tiyaking ligtas at handa ang mga manggagawa at pasilidad sa harap ng anumang sakuna.
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Facebook: @portsauthorityph
X: @ph_ports
Youtube:@ph_ports
Instagram:@ph_ports
Tiktok: @ph_ports