Bilang bahagi ng Nationwide Roadshow, matagumpay na naisagawa ng Commission on Elections (Comelec) – Caraga ang demonstrasyon ng Automated Counting Machine (ACM) ngayong araw, Enero 27, 2025, sa Passenger Terminal Building ng Nasipit Port. Dumalo sa aktibidad ang mga kawani ng PMO Agusan at ng Globalport Agusan Terminal Inc. (GATI).

Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Comelec ang programa, kung saan tinalakay ang mahahalagang paalala, tamang hakbang, at proseso ng pagboto. Ipinakita rin ang mga bagong kakayahan ng ACM, kabilang ang mas mabilis na pagbasa ng balota, pinahusay na security features upang maiwasan ang anumang pandaraya, at real-time na pag-transmit ng resulta ng boto. Sinundan ito ng aktuwal na demonstrasyon ng pagboto gamit ang ACM.

Nagkaroon din ng bukas na talakayan na nakatuon sa mga isyu tulad ng paghawak sa gusot o napunit na balota, kabilang ang paraan ng pagproseso ng ACM at ang mga tamang hakbang na dapat gawin upang masiguro ang maayos na pagboto.

Layunin ng Comelec Nationwide Roadshow na maghatid ng sapat at tamang impormasyon ukol sa eleksyon, itaas ang kamalayan ng mga botante, at masiguro ang maayos, mabilis, at transparent na daloy ng halalan sa darating na Mayo.

#PPA

#PhilippinePortsAuthority

#PhPorts

#BagongPilipinas

“𝑺𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.”

Facebook: @portsauthorityph

X: @ph_ports

Youtube:@ph_ports

Instagram:@ph_ports

Tiktok: @ph_ports